Outstanding
ang performance ng Bravo. Nabili ko Bravo ko last December. Average
distnce travel ko ay 2,000 kilometers per month. Regular ang
maintenance ng Bravo ko. Honda motor oil, Havoline motor oil at Castrol
motor oil ang ginagamit ko. Sa ngayon, stick to Havoline ako. Pero
baka mag shift ako sa elf. Sa regular maintenance na ginawa ko, halos
motor oil lang ang pinalitan not until pag dating sa 16,000 kilometer
reading na. Nag palit nako ng drive chain (EK brand na heavy duty) at
denso iridium spark plug. Medyo mahal lang pero satisfied ako at ayoko
ko rin tinitipid ang Bravo ko.
Mula ng pagkabili ko, ang
naging problema ng Bravo ko ay busted dim headlight at busted rear park
light. Although, gumagana pa ang filament ng bright light at ang brake
light, pinalitan ko na pareho. At 4 times ako na flat tyre. Napalitan
ko na rin rear tyre ko after 16,000 kms dahil pudpod na. Original Bravo
tyre pa rin ang pinalit ko, galing sa Bravo na nagpalit ng dunlop
tyres.
Hindi pa ako tinirik ng Bravo ko. Hindi pa rin ako
pinalya. Fastest speed na naitakbo ko ay 110kph downhill from Tagaytay.
Nagagawa ko na rin ang full throttle for about 1 hour sa Bravo
(actually, palagi) at wala syang problema. Walang overheat at walang
palya until now.
Medyo alerto lang ako sa hataw kasi
parehong drum brake ang preno ng Bravo. OK naman ang rear drum brake
kasi malakas din naman kumapit sa kalsada. Narasan ko na rin
magmuntikan ng ilang beses. Dalawa lang naman ang pwedeng mangyari sa
biglang preno ng stock na Bravo, ang mag fishtail at ang skidding on
one side sa biglaang preno. OK naman, stable ang motor, wag lang
kabahan ang rider baka mawalan ng control.
Sa Bravo ko,
nakakaya kong iwanan ang xrm 110, wave 100, raider j 110. Ilang beses
ko silang nakakasabay at kahabulan sa kalsada. Isang beses palang ako
naunahan sa dami ko nang encounter, yun ay dahil short distance lang
ang tinakbo namin at lumiko na ako. Pero, di ko sinasabi na malakas ang
makina ng Bravo, 100cc lang sya. Bravo can only do so much. Ang
sekreto dyan ay ang gamay o pagkakabisado ng rider sa motor, skill ng
rider sa pagmomotor, experience ng rider at ang lakas ng loob.
Ang hindi OK sa Bravo:
Generally
OK ang Bravo. Kakaibang body design nya. Wala kang makitang imitation
sa design ng body nya. Pero "beauty is in the eye of the beholder", so
kanya-kanyang gusto yan. Ang pinaka malapit nyang kamukha sa Philippine
market ay ang raider j.
Meron lang mga ilang parts na sa akin ay hindi masyadong nakaka-appeal sa ibang rider o would-be buyers. Isa-isahin natin.
handle
bar - yup, marami talagang turn-off sa manubela ng Bravo. Pero
actually, pareho ang handle bar ng Wave at Bravo, except ang sa Bravo ay
hubad at tinakpan lang ng plastic cover kumpara sa Wave ay naka cover
ang buong cowl ng headlight, signal lights, at gauges. At tulad ng
Wave, hindi madali mag modify ng handle bar ang Bravo kasi hindi
available ang parts for modification sa market. To modify, kailangan
customize mo mismo. Marami na rin ang nagmodify nito sa mga members ng
Philippine Bravo Riders Club (PBRC). Pioneer dyan si archer22. Meron
din sa Mindanao area PBRC member. It takes ingenuity to modify Bravo's
handle bar.
kick start - Walang kick starter ang Bravo
kaya time and time again, this has be a topic of debate for pinoy
riders. Personally, mas gusto ko ng walang kick starter ang
Bravo.Maraming paraan para mag start ang motor kapag drain ang battery.
Push start ang pinaka madali. Syempre, ang Hondo Dio hindi pwede sa
push start dahil automatic transmission, kaya siguro nilagyan ng
kickstart. And besides, masisira lang ang sapatos sa kickstart. Sayang
din ang Nike. Isipin mo in economic-wise perspective. Kapag meron kick
start, mas mahal mo bibilhin ang motor, di ba? Kung wala naman
kickstart at pag dumating ang panahon na mahina na ang battery mo na di
kaya ang electric start (siguro after three years), dun mo ngayon
maisip na dapat meron kickstart di ba? OK, pero ayaw mong ma abala lagi
kaka kick-start para gumana lahat ng electrical components mo kaya
bibili ka agad ng battery. So malamang, tatlo o apat na beses mo lang
gagamitin ang kickstart, balik ka na naman sa electric starter, di ba? 3
years ulit bago masira ang battery, tapos tatlo o apat na beses mo
lang gamitin ang kick-start. E kung ganun, mas maganda pang walang
kick-start (lesser engine weight at walang naka usling lever na maaring
maka sagabal sa pagmamaneho, na kasama pang linisan at langisan para di
kalawangin) dahil pwede naman i-push start ang motor. Sinubukan ko na
mag push start, walang kahirap-hirap, maniwala ka.
passenger
footpeg - This is the one I hated the most with the Bravo. Ang foot
rest sa likod ng Bravo ay naka weld sa swing arm. Functional naman, di
ba? Meron mga ibang modelong motor na ganito rin, naka weld sa sweing
arm. Ang ayoko dito (sinubukan ko rin umangkas sa Bravo ko) ay kapag
nag si-swing ang swing arm, sumasama ang tapakan, meaning akyat-panaog
din ang paa ng angkas. Sa humps, mararamdaman mo ang pag galaw ng paa
mo kapag pasahero ka. Medyo ok lang yun kasi dahan dahan naman tayo sa
humps. Ang problema, kapag long ride na at sa mga lubak lubak. ramdam
na ramdam mo ang bugbog mula sa paa hangang hita kapag pasahero ka. E
di ba, usually ang inaangkas natin ay ang misis natin. Imagine mo na
lang ang discomfort nila sa ganitong apakan. Unlike sa ibang motor,
meron sariling footpeg bracket na naka-attached mismo sa batalya kaya
di gumagalaw ang apakan.
no gear indicator - Kung baguhan
ka mag motor, malaking bagay sayo na makita mo kung saan gear ka na.
pero hindi advisable na lagi kang tumingin sa panel mo, delikado po.
"Eyes on the road, please". Kapag nasanay ka na magmotor, mapapansin mo
na di pala kailangan ang gear indicator. Actually, bihira ang model ng
motor na meron gear indicator. Sabi nga ng matatandang rider sakin,
tatlong beses ka lang titingin sa panel ng motor: bago ka mag start,
pagkahinto sa traffic para malaman mo kung nasa neutral ka at paghinto
mo. Un-necessary na yung tingin ka ng tingin.
drum brakes
- gaya ng sinabi ko, drum brakes ang harap at likod ng Bravo. Di
talaga masyadong kumakapit ang preno sa harap. Pipigain mo nung husto.
Di tulad ng naka disc brake (at least sa harap na gulong), konting piga
lang kapit agad. Mas meron control sa motor, safer at mas maganda ang
handling. Eto ngayon ang problema, walang model ang Bravo na meron disc
brake!
steady headlight - this ain't a problem. most
sports (big) bikes have this kind of design. Walang problema at walang
mali sa ganitong design.
Basically, ang mga ito lang naman
ang major differences sa features ng Honda Bravo compared with xrm and
wave and other underbones in its class.
53 kilometers per 1 liter of gasoline:
The
Honda Bravo can go up to 53 kilometers per 1 liter of gasoline based
on experience. Maybe it's because of the body's sleek design and lower
engine displacement, along with Honda's reputation for fuel efficiency.
Try to scrutinize it's design:
steady
headlight - all sports bike are designed like this. why? for
aerodynamics. aerodynamic structure of the bike should remain steady
throughout, unlike if any part deviates like the cowl (on those mc that
sway along with the handle bar) when turning the steering handle, the
wind drag will be deflected to different directions that could affect
aerodynamics...meaning great wind drag. High wind drag means slower
acceleration, more engine stress, less fuel efficiency.
like
I said above, there's nothing wrong with this design. If you're a
seasoned rider, you know this. if you can't see my point, try doing
this. ride your bike. what's your average speed? 30kph, 40kph, 50 kph,
60kph? let's use 30kph. on a curve road, continue to follow the road at
30kph. how do you steer? do you turn your steering bar? Of course not!
you'll be out of control. what you'll do is to firm your hold on the
steering handle and slowly drop the bike to its side (left side to left
curving road and ride side to right curving road). You'll not be
turning the handle bar, whether you are using both models (steady
headlight and the one that go with the handle bar). The more faster
velosity, the more straight and firm will you hold your steering
handle. So there's no much difference on how your lights will project
forward. The bigger difference is when you're running at 5kph or less
and you are steering at full. What could be the instance of that? when
you make a U turn or at heavy turning. But at 5 kph, can't you see
what's coming your way? will a 5kph speed cause a fatal crash, much
less a serious one?
shroud - shroud is designed to
maximize wind capture on a downward force to maximize cooling of engine
and steering control of the bike. xrm has similar design but wave
doesn't. ang wave meron pallikpek na gustong gusto ng mga bumbay.
front
fender - the front fender is designed sleek and less tyre-fender
clearance for aerodynamics. xrm and wave are designed with bigger front
fenders and mounted higher compared with the Bravo. so both types
create more wind drag than that of the Bravo's.
net
weight - the Bravo has relatively lesser net weight compared with xrm
and wave series. Wala kasing kickstarter, passenger footpeg brackets,
etc. Less weight means less stressful for the engine...meaning, maximum
engine capability.